Breaking News

Advertisement

Batang nawawala, natagpuang nakasilid sa sako at wala nang buhay.


TINGNAN: Patay na nang matagpuan ang isang 8 taong gulang na batang babae na nakasilid sa loob ng isang sako sa Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal nitong Huwebes ng gabi, Setyembre 12.

Unang napaulat na nawawala ang batang si Rylai Kaye Barrun noong gabi ng Setyembre 11.

"Umuwi po ako ng 7:12 galing sa pagtitinda sa kanto namin, wala na po siya. Hindi na niya po ako tinulungan magligpit. Madalas po kasi pag-uwi ko nandito yan eh. Medyo maulan din po noon nanonood daw po sila sa isang bahay. Tapos yung iba niyang kalaro, sinundo. Yung iba naman nag-uwian na. Hindi na po nila napansin," kwento ng ina ng biktima.

Ayon sa mga awtoridad, may mga sugat umano sa mukha at ulo ang biktima.

"May mga injuries sa mukha. As to the cause pa eh on going pa yung ating medico legal," ani PLTCOL. Gaylor Pagala, hepe ng Taytay PNP.

Sa pinakahuling update naman na inilabas ng Rizal PPO ngayong araw, nahuli na umano ang suspek sa likod ng karumal-dumal na krimen.

"Personal na tinunghayan ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director kasama si Hon. Lengjoey Calderon, Chairman Brgy. Sta Ana Taytay, RIzal ang pagsasagawa ng pagaresto sa suspek ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station sa pangunguna ng hepe nito na si Police Lieutenant Colonel Gaylor F Pagala," ayon sa ulat ng Rizal PPO.

"Naroon din ang dalawang nagpakilalang kapatid ng suspek na aktwal na nakita ang pagproseso sa pagaresto," papapatuloy nito.

Post a Comment

0 Comments