Breaking News

Advertisement

Olympic gold medalist Carlos yulo, Makakatanggap ng House and Lot sa Batangaas.

Kabilang na sa listahan ng mga reward ng Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ang isang house and lot sa Nasugbu, Batangas. 

Ang house and lot package na ito ay mula sa PHirst Editions Batulao project sa Nasugbu, Batangas mula sa Century Properties Group (CPG) na nagkakahalaga ng P6 milyon.

Ipinaaabot ng PHirst at ng buong CPG ang kanilang pasasalamat at taos-pusong pagbati sa tagumpay ni Yulo para sa kanyang makasaysayang pagsungkit ng dalawang gintong medalya sa Olympics na nagbibigay karangalan sa bansa. 

Bago ito, ilan na sa reward na matatanggap ni Carlos ang three-bedroom property mula sa Megaworld, P6 milyon mula sa House of Representatives, P10 milyon na premyo mula sa Philippine Sports Commission para sa isang Olympic Gold Medal of Valor, at ang iba't ibang brand na nag-alok ng lifetime supply ng kanilang mga produkto kay Carlos.

Post a Comment

0 Comments