BREAKING NEWS: Idineklara na ng World Health Organization (WHO) na Global Health Emergency ang MPOX Clade 1 Virus matapos magtala ng 17,541 na kaso nito sa buong kontinente ng Africa.
Ayon sa Africa Centres for Disease Control and Prevention, mayroon nang 517 na tao ang namatay dahil MPOX Clade 1 Virus (formerly known as Monkeypox) na lumalaganap ngayon sa Africa.
Ang MPOX Clade 1 Virus ay katulad ng Corona Virus na naipapasa sa pamamagitan ng physical contact sa mga tao o hayop na infected nito. Maaari ring maipasa ito sa mga contaminated materials na ginamit ng carrier ng virus.
Sa kasalukuyan, mayroon na ring naitalang unang kaso sa labas ng kontinente ng Africa at ito ay sa bansang Sweden.
Source: WHO, CNN, ECDC, Center for Disease Control and Prevention, BBC News
0 Comments