Breaking News

Advertisement

15 poste ng kuryente, natumba sa marilao

TINGNAN: Tinatayang nasa mahigit 700 kabahayan sa Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan ang nawalan ng suplay ng kuryente matapos matumba ang nasa 15 poste ng kuryente nitong hatinggabi ng Martes.

Ayon sa ulat, tumama sa isa sa mga poste ang isang 10-wheeler truck na siyang naging dahilan ng pagkabuwal ng iba pa.

Target umano ng Meralco na maisaayos ang mga poste at maibalik ang suplay ng kuryente sa nasabing lugar ngayong Martes ng gabi.

Post a Comment

0 Comments