Breaking News

Advertisement

SUSPEK SA PAGNANAKAW NG MOTORSIKLO, NAG-SORRY


Narekober sa Brgy. Maoyon, Puerto Princesa City kagabi ang isa umanong ninakaw na motorsiklo na nakaparada sa gilid ng daan.

Ang opisyales ng barangay ay may nakita umanong mga gamit sa motorsiklo at sulat na nagsasabing ninakaw ito sa Brgy. Tinitian, Roxas Palawan at humihingi pa ng ‘Sorry’ ang suspek.

Matatandaan, una nang naiulat sa Brigada ang pagnanakaw sa bahay ni Ryan Germata noong Ika-28 ng Hunyo kung saan nakuha ang kanilang Cash, Cellphone, powerbank at Honda Click na motorsiklo.
Samantala, kinumpirma naman ng Pamilya Germata sa Brigada na kanila ang narekober na motorsiklo at pinuntahan na nila ito dala ang mga dokumento.

Post a Comment

0 Comments