Breaking News

Advertisement

Lalaki, Binaril ang pamangkin dahil sa isyu sa lupa sa Lucena City.

Sugatan ang isang lalaki sa pamamaril habang ang isa naman ay nasugatan matapos hampasin ng baril ng kanila mismong tiyuhin sa Barangay Ibabang Iyam, Lucena City nitong Martes, Hulyo 16.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, nasa ilalim umano ng impluwensya ng alak ang 63-anyos na suspek at armado pa ng improvised shotgun nang magtungo ito sa tindahan ni Arvin, 49-anyos at walang anu-ano itong binaril.

Nang marinig naman ni Marlon , 42-anyos, ang putok ng baril ay agad niya itong hinanap kung saan ito nanggaling.

Nagtangka rin ang suspek na barilin si Marlon kung saan sinubukan niyang agawin ang armas ngunit doon na siya hinampas sa kanang pisngi bago tumakas.

Sa gitna ng operasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na sinubukan umano ng suspek na kitilin ang sariling buhay subalit napigilan ito ng mga kaanak.

Lumabas din sa imbestigasyon na away sa lupa ang motibo sa nasabing insidente.

Sa ngayon, naka-hospital arrest ang suspek habang nagpapagaling ito at ang mga biktima sa hospital.

Post a Comment

0 Comments