Breaking News

Advertisement

BATANG PUMANAW SA SAKIT NA DENGUE, NAGPAKITA UMANO NG KAKAIBANG KILOS BAGO BAWIAN NG BUHAY.

Nagpakita ng kakaibang kilos ang batang si Czikella Jade limang taong gulang, ang batang babae na pumanaw dahil sa sakit na dengue sa Brgy. Poblacion, Narra Palawan nitong ika-3 ng hulyo.

Ayon sa kanyang ina na si Caitlyn Nolasco Fernandez, matapos na ipasok ito sa Intensive Care Unit o ICU sa Ospital ng Palawan at mabigyan ng paunang lunas ay parang kakaiba na ang pinapakitang kilos ng bata at pawang hindi narin sya nito kilala. 
Dagdag nya, may pagkakataon umanong hindi na makontrol ang galaw ng bata na dumating pa sa punto na kinailangan na itong talian para hindi na nito magalaw ang mga aparatu sa kanyang katawan.

Nang tanungin ni Gng. Caitlyn ang mga nurse na nag-assist sa kanyang anak anila, normal lang na mawala umano sa sarili ang mga pasyenteng mayroong dengue.

Sa Ospital ng Palawan narin binawian ang munti parehong araw ng ipasok ito sa Intensive Care Unit. 

📷 Caitlyn Nolasco Fernandez

Post a Comment

0 Comments