Breaking News

Advertisement

Pari na sangkot sa viral wedding video sa Negros Oriental, Huminge ng tawad

Nag-sorry ang pari sa nag-viral na video ng isang kasal sa Amlan, Negros Oriental kung saan sinimulan nito ang seremonya kahit naglalakad pa lamang patungo sa altar ang bride noong Sabado, Hunyo 8.

Ayon sa Facebook post ng bride, na-late umano sila sa itinakdang oras ng kasal kaya naman sinimulan na ng pari ang misa kahit naglalakad pa lamang siya.

Alas-8:00 ng umaga dapat ang iskedyul ng kanilang kasal ngunit sinabihan daw sila ng isa sa kanilang mga ninang na inilipat daw ito ng 9:30 ng umaga kaya naman dumating sila sa simbahan bago mag alas-9:00.

Sa isang pahayag na inilabas ng parish office, sinabi nilang walang pagbabagong naganap sa iskedyul ng kasal.

“This is unfortunate since there was no instruction at all from anyone in the Parish Office that there are changes in the schedule since there was a scheduled Funeral Mass at 9:30 a.m. of that same morning,” ayon kay parish priest na si Msgr. Albert Erasmo Bohol.

“Parish Office staff believe that the lady sponsor may have misread the dates written on the bulletin (board), which she perused the night before,” dagdag pa nito.

“Despite the fact that they were late by an hour, still our Assisting Priest celebrated the Mass out of charity to the couple. But he had to hurriedly make some adjustments, by starting when he saw the bride at the Church entrance, and after sending word to the bereaved family waiting outside the Church that there is going to be a delay in the Funeral Mass and to please wait until the wedding is over,” dagdag pa ni Bohol.

Kaugnay nito, humingi na ng tawad ang simbahan sa bride at groom gayundin sa kanilang mga pamilya.

Nakatakda namang ikasal muli ang dalawa sa darating na Hunyo 17.

Post a Comment

0 Comments