Breaking News

Advertisement

PAOCC, DININIG ANG HINAING NG TAUMBAYAN LABAN SA POGO ISLAND NG CAVITE

 
BASAHIN: Sinusubaybayan na rin ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) Island sa lalawigan ng Cavite matapos makarating ang mga reklamo ng taumbayan sa mga opisina ng pamahalaan.

Sa isang panayam, inihayag ni PAOCC Spokesperson Winston John Casio na nasa limampu't-walo (58) na iba’t ibang klase ng online gaming hubs ang minamanmanan ng kanilang komisyon.

Ayon naman sa mabusising imbestigasyon ng PAOCC ang mga nagtatrabahong mga Chinese nationals ay nagpapalipat-lipat lamang sa iba't-ibang mga POGO Hub o mas kilala bilang scam farms na patuloy na nagsasagawa ng operasyon sa bansa.

Samantala, hinihikayat naman ng iba't-ibang mga ahensya si Pangulong Bongbong Marcos  na tuluyan nang ipagbawal ang operasyon ng POGO sa pamamagitan ng pagpapatupad ng istriktong batas laban dito.

Post a Comment

0 Comments