Breaking News

Advertisement

Ginang, Patay matapos barilin habang naniningil ng utang.


Patay ang isang ginang sa bahagi ng Moonlight Street, Zenaida Subdivision, Barangay Rosary Heights 8, Cotabato City matapos itong maging biktima ng pamamaril kaninang alas nuebe ng umaga.

Kinilala ng Police Station 2 ang biktima na si Alona Villar, nasa hustong gulang, isang purok leader, asawa ng pulis at residente ng nasabing barangay.

Sa nakalap na impormasyon ng Brigada sa mga saksi, tumungo sa naturang lugar ang ale para maningil nang barilin ito ng gunman.

Tinamaan sa ulo ang biktima at bumulagta ito sa gilid ng kalsada.

Sinugod siya ng mga responders sa pinakamalapit na ospital ngunit tuluyan itong nasawi.

Kasalukuyang nangangalap ng impormasyon ang kapulisan hingil sa iba pang detalye ng krimen.

Post a Comment

0 Comments