Breaking News

Advertisement

Estudyante sinuntok sa mukha ang teacher, Habang nasa stage ng graduation.

Kung sa Pilipinas shake hands ang ginagawa bilang pagbibigay ng respeto at pagsaludo sa mga nagsipagtapos. Pero sa bansang China, imbes na shake hands, suntok ng kamao ng graduate ang ibinigay sa isang guro.

Patok ngayon sa social media ang video ng isang estudyante galing sa Fudan University ng Zhengda Stadium, Shangai, China kung saan ginanap ang graduation ceremony para sa mahigit 10,000 na mag-aaral noong Hunyo 20, 2024.

Nang dumako naman sa degree conferral segment, may isang estudyante ang inilabas ang tinatagong sama ng loob sa propersor. Makikita sa viral video na ito ang pagsuntok ng isang graduate sa isa sa mga kinakamayan nilang propesor on stage na ikinabasag ng eyeglasses nito at natanggal ang cap.

Laking gulat naman ito ng mga dumalo sa seremonya na nakakita sa pangyayari. Agad namang bumaba ang estudyante mula sa stage na parang walang nangyari.

Post a Comment

0 Comments