Breaking News

Advertisement

5 indibidwal, nahulihan ng P699,000 halaga ng shabu.

Timbog ang limang pinagsususpetyahan na drug traffickers matapos mahuli sa isang buy-bust operation nitong Martes and Miyerkules, June 18-19, sa Cavite kung saan aabot sa P699,000 ang halaga ng shabu ang nakulimbat ng mga operatiba.

Ayon sa ulat ng Police Region 4A, nahuli ng anti-narcotics personnel ang dalawang pusher na kinilala sa pangalang “Felipe” at“Melanie” bandang 2:50 a.m. nitong Miyerkules matapos magbenta ng halagang P1,000 na shabu sa isang pulis undercover sa Barangay Sta. Cristina 1, Dasmariñas City.

Kumpiskado mula sa mga suspek ang 50 gramong shabu na nagkakahalaga ng P340,00 ayon sa valuation ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Timbog rin ang dalawa pang suspek na kinilala sa pangalang “Tiririt” at “Bernardo” sa Barangay San Francisco 1 bandang 10:50 p.m. nitong Martes na nahulihan ng apat na sachet ng meth na may DBB value na P189,040.

Sa bayan ng General Mariano Alvarez, huli sa drug sting ang isang suspek na tinago sa pangalang "Donn" bandang 1:30 a.m. nitong Miyerkules sa Poblacion 1. Kumpiskado sa kanya ang anim na sachet ng shabu na may halagang P170,000, isang undocumented 9mm pistol, dalawang magazine, at 7 na bala.

Kumpiskado rin ang dalawang cellphone na ieexamine para sa drug transactions.

Post a Comment

0 Comments