Breaking News

Advertisement

Viral attempted atm scam sa cavite, Iniimbestigahan ng pulisya

Inimbestigahan ng Cavite police ang isang viral na Facebook post ng isang diumano'y attempted automated teller machine (ATM) scam.

Ayon sa isang viral Facebook post ng isang residente ng Carmona noong March 27, isinaad niya na may isang babaeng lumapit at nagpatulong sa kanyang ATM transaction.

Binalaan siya ng kanyang kamag-anak na may usong modus operandi ngayon kung saan may isang senior citizen ang nagpapanggap na magpapatulong sa ATM at kung sakaling tulungan ay magtatangka itong gumawa ng eksena, i-harass ang biktima, at magdemanda ng settlement money bilang damages dahil sa diumano'y pag-aabala sa kanya.

Dahil sa bantang ito, hindi na tinulungan ng poster ang senior citizen at idinirekta na lang ito sa mall security personnel.

Nang imbestigahan naman ng Carmona Police sa tulong ng mall management, natagpuan nilang hindi naman pala ito attempted scammer at totoong nanghihingi lang ng tulong ang senior citizen dahil naiwan nito ang kanyang salamin.

“There's no attempt to swindle anyone,” saad ni Carmona Municipal Police Station Chief Lt. Col. Jefferson P. Ison.

“She approached two persons, and the second person was the one who posted the viral FB post, who has been cautious as she was previously victimized by 'salisi,' 'laglag-barya.' She politely told the old lady to ask help from the security guard.”

Sa isang press release, iniulat ng Carmona Police na, "We appreciate the viral post as it shows the proper way to act in this kind of situation. The one who posted did not, in any way, want to cause alarm, but a reminder that our safety is always our own responsibility."

Post a Comment

0 Comments