Breaking News

Advertisement

Panukalang ipagbawal ang cellphone sa loob ng silid-aralan, Pinag-aaaralan na.

PANUKALANG IPAGBAWAL ANG CELLPHONE SA LOOB NG SILID-ARALAN, PINAG-AARALAN NA 

BASAHIN: Pinag-aaralan na ng isang Senador ang panukalang ipagbawal na ang mga mobile phones sa mga silid-aralan ng Basic Education Institution tulad ng Elementary at High School.

Sinabi ni Senador Sherwin "Win" Gatchalian nitong Huwebes na ito ay para hikayatin ang mga estudyante na magbasa ng mga libro sa halip na maglaan ng kanilang oras sa social media.

Para higit pang hikayatin ang mga mag-aaral na magbasa, nakahanda na si Senator Win Gatchalian na ipasok sa plenaryo ng Senado ang Senate Bill No. 475 o ang National Reading Month Act. 

Dagdag pa ni Sen. Gatchalian na ang iminungkahing panukala ay naglalayong tugunan ang mahinang performance ng mga Filipino learners sa international assessments, partikular sa reading proficiency.

Post a Comment

0 Comments