Breaking News

Advertisement

20 KA-TAO, NAILIGTAS NG PCG MULA SA TUMAOB NA BANGKA

Matagumpay na na-rescue ng mga kawani ng Philippine Coast Guard at Special Operation Unit ng PNP maritime ang 20 ka-tao na sakay ng tumaob na bangka sa El Nido, Palawan.

Ayon sa ulat ng Coast Guard District Palawan, ito ay nangyari nitong linggo sa basinidad ng Barangay Corong Corong sa munisipyo.

Batay sa imbestigasyon, mula umano sa Island hopping ang bangka at pabalik na sa Poblacion nang hagupitin ito ng malakas na hangin dahilan ng paglubog ng bangka.

Kaugnay nito, umabot sa kalahating oras ang paghahanap ng Coast Guard bago nila natuntun ang mga biktima.

Samantala, maayos na naihatid sa baybayin ang mga sakay at nasa maayos na kalagayan na.

Post a Comment

0 Comments