[Trigger Warning: Sensitive Content]
TINGNAN: Dalawang naaagnas na bangkay ang natagpuan ng mga residente sa isang talampas sa bahagi ng Sitio Tigkay, Barangay Magsaysay, Infanta, Quezon nitong nagdaang Lunes, Nobyembre 6.
Ayon sa ulat, nadiskubre ang nasabing mga bangkay dahil sa masangsang na amoy na nagmumula sa nasabing lugar.
“We suspected that the two cadavers could be a woman and a man because of the structure of their bodies, however, we are still awaiting the results of the examination by forensic unit,” ani Infanta Police Chief Major Florendo Credo.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, posible umanong pinatay aa kalapit na lugar ang mga biktima at itinapon lamang ang kanilang bangkay sa Infanta.
“We are now coordinating to another stations and barangay officials to inform about the discovery of two decomposing bodies,” dagdag ni Credo.
Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima at ang motibo sa pamamaslang sa mga ito..
0 Comments