Breaking News

Advertisement

𝗧𝗢𝗣 𝟮 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗩𝗜𝗗𝗨𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗩𝗔𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗛𝗨𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Timbog ng mga awtoridad sa Davao City ang isang tinaguriang Top 2 High Value Individual ng lungsod sa inilunsad na buy bust operation ng Bunawan Police noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang suspect na si Angelo Empas Banico, alias "Mao-Mao", 43 anyos na taga-Barangay Lasang, Bunawan District.

Isinagawa ang buy bust operation sa Purok 3-A Brgy. San Isidro, Bunawan, Davao City, kung saan nakuha mula sa suspect ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P14,000, at marked money na ginamit sa operasyon.

Ayon kay Bunawan PNP Commander PMaj. Jake Goles, matagal na silang naka-surveillance sa suspect dahil dalawang beses na itong nahuli dahil sa pagtutulak ng iligal na droga bago pa man ang kanilang huling operasyon.

Ang suspect ay nakakustodiya sa Bunawan Police Station at na-inquest na ngayong araw sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Post a Comment

0 Comments