Breaking News

Advertisement

20 ANYOS NA BINATA, PATAY SA PAMAMARIL SA CALBAYOG CITY.

Labis ang hinagpis ng pamilya ng isang binata sa Lungsod ng Calbayog matapos mapatay sa isang insidente ng pamamaril ang biktima nitong araw ng Linggo, Nobyembre 5, 2023.

Bumulagta ang wala nang buhay ng biktima sa Purok 5, Brgy. West Awang sa Lungsod ng Calbayog bandang alas 11:30 ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Russel Anthony Bonifacio, 20 anyos at residente ng Purok 1, Brgy. Rawis, Calbayog City.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa likurang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Batay sa testimonya ng mga saksi ay umalingaw-ngaw sa naturang lugar ang dalawang putok ng baril matapos umanong patayin ang street light sa naturang lugar. Pagkaraan nito’y dun na tumambad ang wala nang buhay ng biktima.

Narekober ng mga awtoridad sa disposisyon ng biktima ang salapi na nagkakahalaga ng P5, 275, vape, relo at isang pirasong hot-sealed transparent sachet na hinihinalang shabu.
Habang nasamsam din ng mga awtoridad ang isang bulto ng pinaniwalaang shabu.

Ang mga nabanggit na ebidensya ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Kapulisan para sa kaukulang laboratory examination habang patuloy naman ang pagtukoy sa tumakas na suspek.

Bukas naman ang Samar Daily News Online sa reaksyon ng pamilya kaugnay sa naturang report.

Post a Comment

0 Comments