Sumakabilang buhay na ang komedyante, former Sunday PinaSaya star at bida sa pelikulang Bekikang na si Joey Paras, 45.
Ibinalita ito ng kanyang pamangkin na si Zciara Shyne Sinchon-Fabian sa Facebook account nito ngayong Linggo, October 29, 2023.
Lahad sa post ng pamangkin ni Joey, “To all of our family and friends, we are saddened to announce that our Tito Joey Paras passed away and joined our Creator this afternoon, October 29, 2023 at 5:40 p.m.
Nanawagan din ng tulong ang kanyang pamangkin dahil nang i-post nito ang malungkot na balita ay nasa morgue pa ang mga labi ni Joey.
Ayon sa pamangkin, “We need to settle his hospital bills for us to take him home. Our family is knocking at your kind and generous heart to help us raise a fund to cover his hospital bills.”
Inilagay rin nito ang mga detalye kung paano makapagpapadala ng tulong sa pamilya ni Joey sa pamamagitan ng GCash: Rossette C. (09664522958), at Zciara Shyne Fabian (09053414847).
Nagtapos sa University of Santo Tomas ng kursong Mass Communication, produkto si Joey ng Tanghalang Pilipino at naging bahagi ng musical version ng Zsa Zsa Zaturnnah noong 2006 bago pumasok sa showbiz.Nagwagi siya ng Best Supporting Actor sa New Breed category ng 2013 Cinemalaya Independent Film Festival, sa kanyang pagganap bilang cyber-scammer sa Babagwa (Spider’s Web).
Nakasama rin siya sa cast ng Last Supper Number 3 na pinagbidahan ni JM de Guzman, at sa Bwakaw at Dance of the Steel Bars.
Bahagi rin siya ng Momzillas na pinagbidahan nina Maricel Soriano ar Eugene Domingo.
Naging bida naman siya sa pelikulang Bekikang sa direksyon ni Wenn Deramas.
Noong July 2018 ay sumailalim si Joey sa heart surgery.
Tinamaan din siya ng COVID-19 noong 2020 at na-confine sa ospital.
Noong panahong iyon ay nanawagan siya sa social media dahil kailangan niya ng PHP750,000 para sa kanyang angioplasty operation.
Ayon sa FB post ng pamangkin ni Joey, magbibigay ang pamilya ng update kung saan ang wake kapag na-settle na nila ang mga obligasyon sa ospital.
0 Comments