NAGPAPATULOY ang assessment at validation ng Department of Social Welfare and Development o DSWD 12 sa mahigit 98,000 na mga potential beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na kabilang sa Listahanan 3.
Inihayag ni Audrey Soliva, social marketing officer ng DSWD 12 na ang naturang numero ay posible pang mabawasan depende sa resulta ng validation.
Ayon kay Soliva na may schedule ang mga municipal-linkng general assembly sa mga pamilya na kabilang sa Listahanan upang masuri ang kanilang kasalukuyang estado kung ang mga ito ba ay pasok sa pamantayan ng 4Ps.
Ang mga bagong verified at validated beneficiaries ay inaaasahang makakatanggap na ng health at education grant.
0 Comments