Nasa state of decomposition na ang isang 47-anyos na ginang nang nadatnan ng mga awtoridad habang nakasilid sa loob ng isang drum sa Bacoor City, Cavite nitong nagdaang Martes, Mayo 9, 2023.
Ayon sa ulat, natagpuan ang katawan ng ginang sa loob ng bahay ng 71-anyos na Amerikanong kinakasama nito.
Hindi naman umano tumanggi ang suspek at agad na inamin ang nagawang krimen.
"Sinakal siya, noong namatay na siya, tinago niya sa drum. Hindi pa po namin alam 'yung motibo, siguro para maitago 'yung crime, 'yun nga na-surprise siya, pinuntahan siya sa bahay tapos noong makaamoy tayo ng foul odor, doon na niya inamin na nandoon 'yung biktima," pahayag ni PCol. Christopher Olazo ng Cavite PNP.
Sa pagtataya ng mga awtoridad, nasa 3 hanggang 4 na araw nang patay at nakasilid sa drum ang ginang.
Isa umano sa tinitingnang anggulo sa pagpatay ay selos.
"Ang ano po namin dito, jealousy po siguro kasi live-in partner niya po itong biktima," ani Olazo.
Hawak na ng pulisya ang Amerikanong suspek na mahaharap sa kasong murder.
0 Comments