BASAHIN: Tinatayang nasa 67 milyong mga bata sa buong mundo ang hindi nakatanggap ng kanilang routine vaccine mula 2019 hanggang 2021 dulot ng mga lockdown at health restrictions dala ng pandemyang COVID-19 ayon sa United Nations Children's Fund (UNICEF).
Ayon sa datos na nakalap ng UNICEF, bumaba ang bilang ng mga nabakunahan sa 112 na mga bansa. Mula 86% ay nalagasan ng 5% ang mga batang nabakunahan, bilang na halos kasing baba ng naitala noong 2008.
Hinikayat rin ng UNICEF ang mga pambansang gobyerno na doblehin ang kanilang mga adhikain upang mapataas pa ang immunization sa kani-kanilang bansa at mapabilis ang pagbabakuna lalo na sa mga hindi nakatanggap nito.
0 Comments