BASAHIN: Aasahan ng publiko ang mataas na temperatura habang papalapit ang tagtuyot ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni PAGASA weather forecaster Dan Villamil na inaasahang aabot sa 34 degrees Celsius ang temperatura sa Metro Manila sa susunod na tatlo hanggang limang araw.
“At present, we don’t expect a low-pressure area that can affect our country in the next few days. The northeast monsoon is being experienced in the big portion of extreme North Luzon. There are little chances of light rains in Batanes, in Babuyan Islands,” saad Villamil.
Dagdag pa niya, ang temperatura sa Metro Manila kahapon ng Lunes, Marso 20, ay nag-range ng 23 hanggang 32 degrees Celsius.
Inaasahang pormal na ianunsyo ng PAGASA ang pagsisimula ng dry season o summer ngayong linggo.
0 Comments