KILALANG LECHON MANOK STALL, NASUNOG SA CATANAUAN
TINGNAN: Isang sunog ang sumiklab sa isang kilalang lechon manok stall sa Catanauan, Quezon nitong nagdaang Linggo ng tanghali.
Ayon sa ulat, ang itinuturong dahilan ng naganap na sunog ay ang nag-overheat na generator habang nadamay naman ang LPG tank sa tabi nito.
Samantala, ligtas naman ang tatlong crew ng nasabing tindahan na kilalang sina Vincent Ocfemia Argosino, 24, anyos, Bryan Ferer, 22, anyos, at John Paul Villante, 22 anyos, pawang mga residente sa nasabing bayan.
Nadamay din sa sunog ang isang single na motorsiklong nakaparada sa harapan ng nasabing tindahan.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa naganap na insidente.
Source/Photos: QPPO; Ronda Balita Probinsya; Danny Ballesteros
0 Comments