BAHAGI NG MAKASAYSAYANG TULAY SA TAYABAS, SINIRA
TINGNAN: Bahagi ng makasaysayang tulay ng Malagonlong sa lungsod ng Tayabas, sinira ng mga hindi pa nakikilalang salarin.
Sa pamamagitan ng Facebook post, nanawagan ang Cultural Heritage Preservation Office ng Tayabas City sa kung sino man ang nakakaalam sa impormasyon ng mga salarin ay agad na ipagbigay alam sa kanilang tanggapan.
Ang Malagonlong Bridge ay itinayo noon pang panahon ng mga Espanyol at isa sa itinuturing na pinakamahaba at pinakamatandang tulay sa bansa na kabilang sa National Cultural Treasures.
Source/Photo: Peewee Bacuño; Cultural Heritage Preservation Office Tayabas City
0 Comments