Nasa ospital ngayon at kailangan umanong operahan ang isang batang lalaki matapos mahulog sa sinakyang amusement ride sa loob ng isang Carnival sa bayan ng Urdaneta City, Pangasinan.
Batay sa ulat ay bumagsak sa semento ang biktima na siyang nagtamo ng sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan.
Dumulas umano ang inuupuang nitong rides kaya ito nahulog batay sa report.
Agad namang dinala sa ospital ang bata upang bigyang lunas at ayon sa ina nito ay sumailalim sa opera ang kanyang anak dahil sa nangyaring insidente.
Pinaalalahanan ng otoridad ang lahat na bago sumakay sa isang ride siguraduding ligtas ito upang maka-iwas sa ganitong klase ng disgrasya.
📷 Russell Simorio GMA/ Marivic Fajardo
0 Comments