Breaking News

Advertisement

Amang PWD, Hinangaan ng marami dahil sa pag pupursige sa buhay

Tanging mga kamay ang ginagamit ng 54-anyos na si Alfredo Belas sa pagpepedal ng sidecar sa tuwing mangangalakal sa Quezon City. Noong kaniyang kabataan kasi, nawalan siya ng kakayanang makapaglakad.

“Hindi naman ako ipinanganak na ganito. Pero nu’ng bata pa ako, bigla sumakit itong kalahating katawan ko. Buti na lang hinilot ng lola ko, kaya kahit paano nakakatayo ako. Sabi ng doktor, wala na talagang pag-asa,” ani Belas sa programang KBYN (Kaagapay ng Bayan).

Ipinanganak si Belas sa probinsya ng Samar at napadpad sa Maynila upang makipagsapalaran sa buhay, ngunit tila naging mapait ang tadhana nila dito.

“Pitong taon pa lang ako noon, isinama ako ng mga magulang ko dito. Pero mahirap din talaga ang buhay dito. Namatay ang mga magulang ko. Watak-watak kaming mga magkakakapatid,” kwento niyal. Belas.

Dahil sa pisikal na kalagayan,

Hirap rin umano siyang makahanap ng ibang pagkakakitaan dahil sa kaniyang kalagayan kaya pinasok nito ang pangangalakal.

Ang asawa naman niyang si Erlinda, gustuhin man makatulong sa asawa ay may iniinda ring problema sa mata at katawan.

“Diyan ko na binuhay ang pamilya ko. Ang mga anak ko, diyan ko napag-aral. Pero ‘yung panganay ko, hindi nakapagtapos dahil nag-asawa. ‘Uung bunso ko naman, nakapagtapos ng HRM pero hindi nakapagtrabaho dahil nalaman kong buntis. Kaya itinuloy ko na lang, nagpursige na lang ako,” kwento ni Belas.

Proud naman ang ama na napalaki niyang matatag ang mga anak na sina Rosalinda at Berna. Nagpapasalamat rin siya na kahit paano’y maayos ang pakikisama ng mga naging kabiyak nila.

Tinulungan naman ng programang KBYN ang pamilya ni Belas sa pamamagitan ng munting regalo sa kanila gaya na lamang ng ilang sako ng bigas at grocery items.

Post a Comment

0 Comments