Breaking News

Advertisement

Retiradong Pulis at kalaguyo, Huli sa akto ni misis sa Inn.

Himas-rehas ngayon ang isang retiradong pulis matapos maaktuhan ni misis na may kalaguyo sa isang inn sa Davao City nitong Miyerkules ng gabi. 

Ayon kay Police Major Jake Goles, hepe ng Sasa Police Station, umaga palang ng Miyerkules ay nagpa-blotter na ang misis matapos nilang magtalo sa umano’y tinutuluyang boarding house ng kanyang kalaguyo.

Sinundan ng misis at ng anak ang retiradong pulis sa isang inn at dito na iniulat sa kapulisan.

Nang pasukin ng mga pulis ang inn bandang alas-10 ng gabi, naabutang naka-hubad ang mister at umano’y kalaguyo nito. 

Taong 2013 nang unang nahuli ng misis ang kaniyang asawa na may kalaguyo. 

Naghinala na rin siyang hindi tumigil sa pangangaliwa ang kaniyang asawa dahil nag-iba na ang asal nito.

Sa kasalukuyan, nahaharap sa kasong Adultery ang babae na pansamantalang nakalaya dahil nag-piyansa. 

Samantala, nasa kustodiya naman ng Sasa Police ang retiradong pulis na nahaharap ngayon sa kasong Concubinage at paglabag sa R.A. 9262 o Violence Against Women & their Children’s Act in relation to Emotional & Psychological Abuse. 

Post a Comment

0 Comments