Breaking News

Advertisement

Panawagan ng mga Pinoy Nurses, Sahod itaas sa 50k kada buwan.

Muling humirit ang grupong Filipino Nurses United (FNU) sa pamahalaan na itaas sa P50,000 ang basic salary kada buwan ng mga pampubliko at pribadong nurses sa Pilipinas.

Ayon sa mga FNU, malaking tulong ito para sa mga Pinoy nurses upang makapamuhay sila ng disente at katumbas umano ng krusyal na papel nila sa promosyon at proteksyon sa kalusugan ng mga mamamayang Pilipino.

Dagdag pa ng grupo, ang pagtaas ng sahod ng mga Pinoy nurses ay maaaring maging dahilan ng kanilang pananatili sa bansa.

“Lahat kami sa go­vernment at nurses sa private sector ay medyo hirap talaga kaya ‘di niyo kami mapipigilan na umalis ng bansa kasi mas mataas ang ino-offer nila sa amin,” pahayag ng pinuno ng FNU-San Lazaro Hospital na si Ivan Paguio.

Sa ulat, tinatayang nasa 100,000 nurses sa pribadong sektor ang sumasahod ng P537 kada araw sa kalakhang Maynila. Mas mababa pa rito ang arawang sahod ng mga nurses na nasa probinsya o labas ng Metro Manila.

Samantala, nasa P35,000 naman ang 'minimum salary' na natatanggap ng mga nurses na nasa pampublikong hospital. 
Bagama't mas mataas ito kaysa sa mga nasa pribadong sektor, kapalit naman umano nito ang matinding pagsubok ng mga public hospital nurses dahil sa dami ng pasyente at trabahong kinakailangan nilang tugunan kada araw.

Ayon naman kay FNU Vice Presidente Eleanor Nolasco, mayroon naman umanong pondo para rito ang pamahalaan at maaari nila itong makuha sa 'unprogrammed funds'. Bukod sa dagdag-sahod, makakakuha rin ng dagdag na 42,000 nurses para sa mga barangay health centers at 10,000 ang mare-regular.

Kaugnay nito, nagpahayag naman ng suporta ang Department of Health (DOH) sa hiling ng mga Pinoy nurses ngunit kinakailangan daw muna itong maisabatas.

Post a Comment

0 Comments