Ibinabala ng Eastern Visayas Office of the Civil Defense na dapat paghandaan ang posibleng mangyaring malakas na paglindol o "The Big One" sa Eastern Visayas dahil sa maaaring maging paggalaw ng pinakamalaking fault line dito, na ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs) ay siyang pinakamalaking fault line sa buong bansa.
Batay sa panayam kay OCD Director Lord Byron Torrecarion Office of Civil Defense, sa pag-aaral ng Phivolcs, kung ang lakas umano ng paggalaw ng Philippine Trench o fault line ay aabot ng 7.0 magnitude ay posible itong makapagdulot ng tsunami sa mga lugar na malapit sa karagatan ng Pacific Ocean, kagaya ng mga lugar sa Eastern Samar, Northern Samar, Leyte, at Southern Leyte.
Kung ito raw ay umabot sa 7.9 magnitude ay posibleng umabot sa 9 meters ang taas ng tsunami sa lalawigan ng Leyte, at maaaring maging kasintaas ng 3 story building sa lalawigan ng Northern Samar.
Samantala, kung sakali umanong sa Dinagat Island at Samar mangyari ang paggalaw ng nasabing fault line ay tinatayang aabot sa 4-7 meters ang maaaring maging taas ng tsunami sa Leyte habang 8-9 meters naman sa Samar.
Batay parin sa pag-aaral ng PhiVolcs, ang mga lugar na maaaring matamaan ng Philippine Trench o Fault Line sa Eastern Visayas ay ang mga sumusunod:
Leyte Southern Leyte
1.Ormoc 1. Sogod
2.Kananga 2. Libagon
3.Burauen 3. St. Bernard
4.Mahaplag 4. Lilo-an
5.Javier 5. San Ricardo
6.Capoocan
7.McArthur
8.La Paz
9.Abuyog
Easter Samar Northern Samar
1. Taft 1. Marabut
2. San Julian 2. Basey
3. Borongan City 3. Pinabacdao
4. Balangiga 4. Allen
5. Hinabangan 5. Victoria
6. San Isidro
Sa ngayon, bilang paghahanda sa maaaring maganap na "The Big One" sa Eastern Visayas, ay patuloy ang pagbibigay ng Office of the Civil Defense ng mga trainings para sa lahat ng mga LGUs. Patuloy din ang pag- upgrade ng mga epikong mga kagamitan para sa panahon ng kalamidad.
( Source: Office of the Civil Defense Eastern Visayas , Phivolcs)
0 Comments