Ang litratong nagpapakita ng isang babaeng naglilinis ng bintana mula sa labas ng isang residential building sa Hong Kong ay nag-viral sa social media.
Isang litrato ang ini-upload sa social media noong hapon ng Sabado na nagpapakita ng babaeng nakatayo na ang kalahati ng kaniyang katawan ay nasa labas na ng isang apartment sa Hong Kong, iniulat ng Sing Pao.
Ang babae ay naglilinis pala ng bintana sa labas nang walang kahit anong safety gear. Hindi binigay ng kumuha ng litrato ang address ng gusali, ngunit kita sa video na ang apartment ay nasa ika-apat na palapag.
Hindi pa mapag-alaman kung ang babae ba ay isang domestic worker. Marami ang nagkomento na delikado para sa kahit sino pa man na maglinis ng labas ng bintana nang walang sapat na pagsasanay.
Sa nakalipas na limang taon, mayroon nang anim na mga kaso ng pagkamatay ng mga banyagang mga domestic worker sa kanilang pagkahulog habang sila’y naglilinis ng bintana. Noong 2017, ipinakilala ng Labor Department ang mga batas na nais protektahan ang mga domestic helper sa mga pag-uutos na linisin ang labas ng bintana sa mga matataas na mga gusali.
Dinagdagan pa ng dalawa pang sugnay ang mga kontratang pangtrabaho. Sinabi sa isang sugnay na ang mga bintanang mayroon lamang na mga grilles ay ang mga maaaring linisin lamang ng mga kasambahay. Sinabi naman sa isa na wala dapat parte ng katawan ng domestic worker ang lumabas ng bintana maliban sa mga braso nito.
0 Comments