Breaking News

Advertisement

Bagong silang na sanggol natagpuan sa harap ng simabahan sa Leyte.

BAGONG SILANG NA SANGGOL, NATAGPUAN SA HARAP NG SIMBAHAN SA LEYTE

TINGNAN: Isang bagong silang na sanggol na babae ang natagpuang umiiyak sa harap ng Tabango Parish Church sa Leyte ngayong Sabado ng umaga. 

Isang hindi kilalang mamamayan ang tumawag sa Philippine National Police Tabango Police Station tungkol sa insidente.

Ayon kay Police Corporal Geraldine Padoga, nakabalot sa kulay asul na tuwalya ang sanggol. 

Agad namang dinala ito sa Tabango Community Hospital para sa medikal na atensiyon.
Ibibigay ang sanggol sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) para sa maayos na pangangalaga sa bata. 

Samantala, nananawagan ang Tabango PNP sa publiko na may kakayahang magpaabot ng tulong para sa sanggol tulad ng damit at gatas. 
“Sa mga may mahinatagon nga kasing-kasing need po baby clothes ni baby girl and breastmilk pud unta knsa dha nanay na pwede mu share sa iyang milk.  We appreciate po sa mu help or mu donate. Kindly message or contact us at 09101383871,” anila. 

Post a Comment

0 Comments