Breaking News

Advertisement

3 Pulis arestado dahil sa pangongotong


Tatlong pulis ang inaresto ng kanilang mga kapwa pulis sa loob ng Paco Community Precinct sa Ermita, Maynila matapos na masangkot umano sa pangongotong sa isang driver ng trisikel.

Hiningan umano ng mga pulis ang driver ng 2,000 piso para hindi na iimpound ang kanyang trisikel dahil sa pag counter flow at walang lisensya. 

Kinilala ang tatlong pulis na sila PSSg Erwin Licuasen, PCpl Chimber Importa, Pat Leopoldo Tuazon na mahaharap sa kasong Robbery extortion at paglabag sa amAnti graft and Corrupt Practices Act at kasong Administratibo.

Post a Comment

0 Comments