Breaking News

Advertisement

3 Mangingisda, Nasagip mula sa tumaob na bangka sa San Nicholas Shoal

Nasagip ng Philippine Coast Guard ang tatlong mangingisda mula sa tumaob na motorbanca bandang San Nicholas Shoal sa lalawigan ng Cavite, Agosto 23, 2022.

Sa isang pahayag, sinabi ng PCG na ang mga nasagip na mangingisda ay sina Joel Dela Cruz Dimano Jr., Alexander Bababel, at Joshue Morallos, pawang mga residente ng Mariveles, Bataan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nagkaroon ng problema sa makina ang kanilang bangka. Ang sitwasyon, gayunpaman, ay pinalala ng malakas na hangin at maalon na karagatan, dahilan para tumaob ang kanilang motorbanca.

Sa kabutihan palad ay nailigtas sila ng dumaan na cargo vessel.

Matapos malaman ang pagtaob, pumunta ang PCG Medical Service sa iniulat na lokasyon at sinuri ang mga nakaligtas. Pagkatapos ay dinala ang mga mangingisda sa Cunanan Wharf sa Maynila para sa karagdagang tulong at kung saan sinalubong rin sila ng may-ari ng bangka.

Post a Comment

0 Comments