Breaking News

Advertisement

Plastic bag na gawa ng kamoteng kahoy, Ipinakilala sa Puerto Princesa

Para sa Zero waste advocacy, hindi na umano kakailanganin pang gumamit ng plastic bags at paper bags matapos ipakilala ng lungsod ng Puerto Princesa, Palawan ang natutunaw na plastic bag na gawa umano sa kamoteng kahoy. 

Tinatawag itong “CassaBags” na ipinakikilala sa publiko ng zero plastic advocate na Bee. Gawa ito sa kamoteng kahoy, kung saan kayang matunaw sa mainit na tubig at maaaring gamitin pandilig sa halaman, na layong maging alternatibong lagayan sa halip na kumonsumo ng plastic bags na mapanganib sa kapaligiran.

Bilang karagdagan, ang Bee ay may kaugnayan sa EcoNest Philippines na nagnanais na maipakilala ang paggamit ng compostable packaging materials sa naturang lungsod at lalawigan kaakibat ng single-use plastics. 

Sa pahayag ng Entrepreneur at Zero Plastic advocate Xian Sing, layon rin nito na maabot ang Net Zero Emissions sa taong 2050. Maaaring masaksihan ang sustainable alternative sa SM City Puerto Princesa Booth hanggang Hulyo 30.

Post a Comment

0 Comments