Breaking News

Advertisement

Babae, Mahilig ng Junk foods at Soft drinks nagkaroon ng malaking kidney stones

Isang babae na hilig uminom ng softdrinks at mahilig sa pagkain ng tsitsirya o mga junk foods and nagkaroon ng malalaking kidney stones hanggang nakaranas ng pananakit ng likod at hirap sa pag ihi.

Ikinuwento ni Cielo Baccay, 26 taong gulang, sa programang "Pinoy MD" ang kanyang kalagayan. Sa edad niya ay isa na lamang ang kanyang kidney.

Nakahikigan ni Cielo ang paginom ng softdrinks at pagkain ng junk foods araw araw hanggang makaramdam ito ng pananakit sa lower back at nagkalagnat din.

Dahil sa pagkahilig sa maalat, nagkakroon ng salt deposit sa kidney na namunuo at nagiging parang bato na maaaring bumara sa urinary bladder.
Ang phosphoric acid naman sa softdrinks na nagpopromote ng kidney stone formation, pinagdidikit ito ang mga salt na kinakain na nagiging bato.

Nakakababa ng water intake ang paginom ng softdrinks, dito na nabubuo ang asin sa kidney kaya dapat ay uminom lagi ng tubig.

"Nung nakita ko yung resulta ng kidney stones na ganung kalaki, sobrang nanlumo po ako. Kasi sa mga pagkain na masasarap hindi ko akalain na magkakaroon ako ng ganung kalaking stone," ayon kay Cielo.

Ang mga palatandaan at sintomas ng pagkakaroon ng bato sa bato ay tulad ng severe pain, pagduduwal, pagsusuka, lagnat, panginginig at dugo sa ihi.

Post a Comment

0 Comments