Breaking News

Advertisement

Mga mensahe at larawan mula sa messenger, tatanggapin bilang ebidensya sa kurte.

Maaari nang tanggapin bilang ebidensya ang mga larawan at chat messages mula sa Facebook messenger ayon sa anunsyong inilabas ng Korte Suprema nitong nagdaang Biyernes, Hunyo 17, 2022.

Batay sa Korte Suprema, ang desisyon ay nagmula sa kaso ni Christian Cadajas na na-convict dahil sa paglabag sa Anti-Child Pornography Act nang makipagpalitan ito ng chat messages sa isang 14-anyos na babae na hiningian niya ng mga nude photo.

“In 2016, petitioner, then 24 years old, started a romantic relationship with AAA, a 14-year-old girl. AAA, using her mother’s cellphone, BBB, would converse with petitioner on Facebook Messenger. In one of their conversations, petitioner coaxed AAA to send photos of her private parts, to which AAA relented. BBB later discovered this conversation when AAA forgot to log out of her Facebook account on her mother’s phone, prompting AAA to delete the messages on her account,” saad sa desisyon ng SC.

Depensa ni Cadajas, hindi umano dapat tanggapin na ebidensya ang screenshots ng kanilang palitan ng mga mensahe dahil paglabag umano ito sa kaniyang privacy.

Iginiit naman ng Korte Suprema na ang 'right to privacy' na nasa batas ay pumoprotekta sa publiko laban sa panghihimasok ng mga alagad ng batas.

“In the case of petitioner, the Facebook Messenger chat thread was not obtained through the efforts of police officers or any State agent but by AAA, a private individual who had access to the photos and conversations in the chat thread,” dagdag ng SC sa kanilang desisyon.

Batay sa ulat noong taong 2020, ang Pilipinas ay isa sa pinakamalaking source ng online child sexual exploitation sa buong mundo.

Samantala, matatandaang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Telecommunications Commissions na magbigay ng parusa sa mga telcos at providers na lumalabag sa Anti-Child Pornography Act of 2009.

Post a Comment

0 Comments