Breaking News

Advertisement

Backlog ng LTO sa paggawa ng Plaka, Umabot na sa 11 Milyon.

Aminado ang Land Transportation Office (LTO) na isa sa malaking problemang kanilang kinahaharap ngayon ay ang paggawa ng mga backlog na plaka ng mga motorsiklong umabot na sa 11 milyon.

Ayon sa ulat ng GMA News, sinabi  ng LTO na kaya lamang ng kanilang plate-making machine na mag-imprenta ng 500 plaka kada oras.

Sa kabuuan, nasa 18 hanggang 19 milyong plaka ang kailangang magawa ng ahensya ngunit batay sa ulat ng LTO, nasa 7 milyong piraso pa lamang ang kanilang nagagawa sa kasalukuyan.

“’Yung 18 to 19 million plates na 'yon, sa ngayon ang nagagawa pa lang namin around 7 million. Kaya ang laki pa ng hahabulin namin. Hopefully, in the coming administration, mabigyan ng mas malaking pondo ang LTO para sa backlog na around 10, 11 million plates,” pahayag ni Assistant Secretary Edgar Galvante.

Isa sa mga suhestiyon ni Galvante ang pagkakaroon ng licensed third-party contractor upang matugunan ang problema sa paggawa ng mga plaka.

“Ipapagawa na natin ito sa labas. Para habang ginagawa natin yung moving-forward plate na planta dito, ‘yung backlog ginagawa na ng kung sino man ang manalo sa kontrata,” ani Galvante.

Kaugnay nito, muling ipinaalala ng LTO ang umiiral na Republic Act (RA) 11235 kung saan nakasaad na dapat may plaka sa harap at likuran ang bawat motorsiklo.

Nilinaw din ng ahensya na hindi apaktado ng pagkakaroon ng 'backlog' sa plaka ng mga four-wheel vehicles.

Post a Comment

0 Comments