Breaking News

Advertisement

TULONG PANGKABUHAYAN SA ARAKAN, IBINIGAY NG DSWD XII

NORTH COTABATO | NAMAHAGI ng Livelihood Assistance Grant (LAG) ang Department of Social Welfare and Development Field Office XII (DSWD FO XII) sa mga maliliit na negosyante sa bayan ng Arakan, North Cotabato, ngayong araw, April 12.
Pinangunahan ng Sustainable Livelihood Program ang pamamahagi ng LAG sa 150 na micro-entrepreneurs na mula sa 5 barangay ng bayan.

Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P15,000 bilang pangkapital muli sa kanilang naapektuhang negosyo dahil sa Covid-19 pandemic at mismong ang Barangay ang tumukoy sa mga benepisyaryo.
Present sa LAG payout sina P/Master Sargeant Jay Canto ng Arakan Municipal Police Station, 72nd Infantry Battalion Executive Officer Major Eliseo Marcolino at mga kawani ng SLP North Cotabato Cluster II at Regional Program Management Office.
Ginanap ang payout sa loob ng kampo ng 72nd Infantry Battalion sa nasabing bayan.

"Naa na dinhi ang tabang sa gobyerno ug wala gid kamo gipabay-an sa gobyerno", wika ni Maj. Marcolino.

"Dili lang kutob sa paghatag og pinansyal nga suporta ang DSWD XII, apan, kuyog mi ninyo sa pagpalambo sa inyong negosyo'g kinabuhi", pahayag ni Jonathan Mandi, ang Project Development Officer II ng SLP-RPMO.

Nagpapasalamat naman ang mga benepisyaryo dahil hindi sila pinababayaan ng gobyerno na maghirap sa kabila ng naranasang pandemya. (Patrick Lopez Villas/DSWD XII)

Post a Comment

0 Comments