Ngayong araw, 122 na myembro ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) sa Lumba Bayabao ang nakatanggap ng kanilang Landbank of the Philippines (LBP) EMV-Cash cards.
Ito ay parte ng pagpapalit ng cash cards sa lahat ng benepesyaro ng 4Ps sa pagbabago ng mekanismo ng pagbigay ng cash grants mula sa dating nakaugaliang over the counter payout.
Inaasahang magpapatuloy pa rin ang pagsasagawa ng validation ng mga municipal links sa mga isinumiting mga dokumento ng mga benepesyaryo upang sila ay makatanggap na din ng naturang cash card.
0 Comments