Breaking News

Advertisement

Pilipinas, Bukas na ang borders para sa lahat ng bansa ngayong darating na abril 1.

Malugod na ibinalita ni Department of Tourism Sec. Berna Romulo-Puyat nitong nagdaang Huwebes na magbubukas na sa darating na Abril 2 ang ang borders ng Pilipinas para sa lahat ng bansa kabilang na ang visa countries.

Sa isang panayam kinumpirma ni Puyat na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapalakas ng industriya ng turismo sa bansa.

Matatandaang nitong nagdaang Pebrero 10, muling nagbukas ang border ng bansa para sa mga byahero at turistang mula sa vise-free na mga lugar.

Ayon kay Puyat, kinakailangan lamang umanong sumunod sa mga panuntunang itinakda ng ng IATF kaugnay ng nito. 

Kabilang sa nasabing requirements ay ang pagprisinta ng negatibong anitgen test results sa loob ng 24 oras.

“Ang importante dito sa lab-based antigen as it captures those that continue to test positive but]recovered already," dagdag pa ng kalihim.

Ayon sa datos, tinatayang asa mahigit 96k na mga bilang ng turistang dumalaw sa bansa simua nang muling payagang makapasok ang mga ito.

Post a Comment

0 Comments