Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang 'Ligtas Sumvac (Summer Vacation) 2022' upang matiyak ang kaligtasan ng publiko ngayong opisyal nang nagsimula ang panahon ng tag-init sa bansa.
Paglilinaw ni PNP Chief Dionardo Carlos, layunin umano nito na matiyak ang kaligtasan ng mga baksyunista, at motorista ngayong papalapit na Semana Santa at buwan ng bakasyon.
Kaugnay nito, inaasahan na umano nila ang pagdagsa ng mga bakasyunista lalo na't unti-unti na ring nagbubukas ang mga tourist spots sa bansa matapos ang dalawang taon.
“We are alerting all police units and stations to strictly adhere to our guidelines so we can avoid the resurgence of COVID cases and deter crimes from happening,” ani Carlos.
Ayon pa kay Carlos, upang mas mainam na maipabatid ang mga safety tips sa mga turista, ipinag-utos niyang makipag-ugnayan sa lokal na tanggapan ng Department of Tourism ang mga police units.
Magkakaroon din ng regular na pag-iinspeksyon sa mga tourist spots at magpapakalat din ng mga mobile patrols sa mga pampublikong lugar.
0 Comments