Magandang Balita po para sa lahat ng benepisyaryo ng Social Pension, narito na po ang schedule ng Social Pension Payout.
Pina alalahanan po natin ang lahat ng benepisyaryo na mag punta po sa inyong tamang schedule.
Para po sa lahat ng mga bedridden na beneficiaries na representative po ang kukuha ng pension narito po ang updated na requirements na kailangan niyo pong dalhin:
PARA SA KINATAWAN (REPRESENTATIVE) NG SOCIAL PENSIONERS
1. ORIGINAL NA SENIOR CITIZEN ID
2. DALAWANG (2) BALIKTARANG PHOTOCOPY NG SENIOR CITIZENS ID CARD NA MAY PIRMA NG SENIOR CITIZENS, KATULAD NG PIRMA SA KANILANG ID CARD, KUNG HINDI KAYANG PUMIRMA MAARI SIYANG MAG-THUMBMARK.
3. MAGPAPHOTOCOPY NG VALID ID ANG REPRESENTATIVE NA KUKUHA (BALIKTARAN DIN ITO).
4. MAGPALITRATO ANG SENIOR CITIZENS PENSIONER KASAMA ANG KANIYANG REPRESENTATIVE NA MAY HAWAK AT PINAKIKITA ANG BAGONG DYARYO NA MAY PETSA (PINAKAHULING LATHALA) AT DALHIN ANG DYARYO NA GINAMIT.
5. DALHIN ANG AUTHORIZATION LETTER NA KATIBAYAN NA KAYO ANG ITINALAGA NA KUMUHA NG PENSION NA MAY PANGALAN NG REPRESENTATIVE AT PIRMA NG SENIOR AT REPRESENTATIVE AT KAILANGAN DIN ITO PIRMAHAN NG CSWDO SOCIAL PENSION FOCAL AT DSWD-NCR PROJECT DEVELOPMENT OFFICER NA NAKA ASSIGN SA LGU NIYO. ILAGAY ANG KADAHILANAN KUNG BAKIT HINDI MAKAPUPUNTA ANG PENSIONER.
6. KUMUHA NG SERTIPIKASYON SA BARANGAY NA KUNG SAAN DAPAT ILAGAY NA KAYO ANG PINAPAHINTULAN NG SENIOR CITIZENS NA REPRESENTATIVE NA KUKUHA NG KANYAN PENSYON
Ang Social Pension Payout po na ito ay para lamang po sa mga makakatanggap ng notice. kung kayo po ay naINTERVIEW NA para sa social pension at walang natanggap na notice, kayo po ay ire-revalidate po, mangyari lamang po na padalhan kami ng mensahe na nakalagay po ang inyong:
Pangalan:
SC ID number:
Barangay:
Para naman po sa mga hindi pa naI-INTERVIEW para sa Social Pension, mag a-anunsyo po kami kung kailan po ulit mag iinterview para sa social pension.
Para po sa mga katanungan mag padala lamang po kayo ng mensahe sa amin delayed lamang po ang aming pagsagot dahil po sa pag hahanda sa payout.
0 Comments