Kasalukuyang kinakausap ng pamahalaan ang mga botika sa labas ng kalakhang Maynila upang magsilbing vaccination site sa mga susunod na linggo, ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje noong Huwebes, Enero 20, nilayon ng gobyerno na palawakin pa ang programang “Resbakuna sa Botika” sa kalagitnaan ng Pebrero.
“It will be based on our readiness assessment of the drugstores. We will tap those that are willing and ready,” ani Cabotaje.
Aniya, pinalalawak ng gobyerno ang programa dahil layunin nitong mabakunahan ang mas maraming tao sa buong bansa.
“If everything goes well, these extra vaccination sites and extra hands will be a great help,” dagdag ni Cabotaje.
Nagsimula ang pilot run ng “Resbakuna sa Botika” noong Huwebes at sinabi ni Cabotaje na inaasahan nila sa simula ay 500 katao ang mabibigyan ng booster shot.
Pahayag pa niya, Sinovac at AstraZeneca ang ibinibigay bilang mga paunang booster dose sa mga parmasya ngunit ang madadagdagan pa ito ng ibang brand ng bakuna kalaunan.
0 Comments