TINGNAN: Isang 33-anyos na lalaki, kinitil ang sarili dahil umano sa maling alegasyon sa kanya
Ikinagulat ng mga residente ng Zone 1 Calle Real barangay Pasobolong ang balitang kinitil na ng binata ang kanyang sarili kahapon ng umaga.
Batay sa isang ulat, nag-iwan pa ng liham ang biktima para sa kaniyang mga magulang at para sa asawa ng nambibintang umano sa kanya.
Ayon sa biktima, hindi na nito nakayanan ang kahihiyan sa tingin ng mga tao kapag sya ay lumalabas ng bahay. Wala raw katotohanan ang mga paratang sa kanya tulad ng sexual na pang-aabuso.
Nakatakdang humarap sa barangay ang biktima dahil sa mga alegasyon na ito, ngunit nagtagpuan na na itong walang buhay sa kanilang tahanan.
0 Comments