Nagbabala ang Social Security System (SSS) sa lahat ng mga miyembro nito na iwasang makipag-ugnayan sa mga fixers kaugnay ng pagkuha ng Unified Multipurpose Identification (UMID) Card.
“The SSS is the only authorized institution that accepts applications and issues UMID Cards for its members working in the private sector. The biometrics data capturing, which is an important process in the issuance of UMID Cards, is currently done only through our branches,” pahayag ni President and CEO Aurora Ignacio.
“We are reminding our members to refrain from transacting with fixers to avoid any inconvenience,” dagdag pa ni Ignacio.
Kaugnay nito, pinayuhan niya ang mga miyembro na mag-book muna ng appointment gamit ang Appointment System sa My.SSS Member Portal upang maiwasan din ang pagdagsa ng tao.
Maaaring makakuha ng UMID cards kahit iisang buwan pa lamang ang kontribusyon ng isang miyembro.
Libre rin ang pagkuha nito para sa mga first time na aplikante habang habang P200 naman para sa magpapapalit o magre-renew nito.
0 Comments