Arestado sa entrapment operation ng pulisya ang 36-anyos na ina mula sa Barangay Poblacion East, Alcala, Pangasinan, matapos umano nitong ibenta online ang katawan ng kaniyang 10-anyos na anak sa mga dayuhan.
Ayon sa ulat ng pulisya, kinukuhanan umano ng nahuling ina ang kaniyang anak nang nakahubad at tsaka ipinapadala ang mga larawan sa mga foreigners online kapalit ng pera. Sa oras na magustuhan umano ng foreigner ang mga larawan ng bata, nakikipag-video call ito upang ipagawa sa bata ang kalaswaan na gusto ng foreigner.
Nagawa raw umano ng ina na ibenta ang katawan ng kaniyang anak sa mga foreigner dahil gipit ito sa pera.
0 Comments