Breaking News

Advertisement

74-anyos na lola, nabiktima ng Budol-budol gang.

Lubos ang panlulumo ng 74-anyos na lola matapos matanggay ng budol-budol gang ang kaniyang pensyon na nagkakahalagang P12-K at mga alahas nito.

Ayon sa pahayag ng biktima, dumiretso ito sa isang mall matapos nitong mai-withdraw ang kaniyang pensyon. Matapos itong mag-grocery, nilapitan umano ito ng isang lalaki na nagpakilalang kaibigan ng kaniyang anak hanggang sa maaya ang biktima na sumakay sa SUV ng mga suspek, kung saan na nangyari ang pangloloko ng mga suspek na nangakong dodoblehin ang halaga ng kaniyang pera at mga alahas. 

Dagdag pa ng biktima, wala umano itong maalala sa nangyari at tanging pagsakay niya sa tricycle pauwi ang kaniyang naaalala kung saan dala-dala nito ang isang bag na naglalaman umano ng mga pera ngunit napag-alamang bungkos ng papel lamang ang mga ito. 

Post a Comment

0 Comments