Breaking News

Advertisement

Viral: Barong-Barong bahay, Hanep ang itsura sa loob

Sumikat ang Facebook group na 'Home Buddies' sa kasagsagan ng pandemiya noong nakaraang taon. Maraming members ng grupong ito ang nagbibigay ng kanilang tips sa pagpapaganda ng kanilang bahay.


Isa sa nag-viral na post ay galing sa user na si Mhareese Aquino kung saan ipinost niya ang larawan ng tahanan ng kaniyang pinsan. Ayon sa post, masarap daw tambayan ang bahay dahil sa maaliwalas na ayos nito.

Mukhang taliwas sa caption ang litratong naka-upload sa kaniyang post dahil sa unang tingin ay kapansin-pansing ang tagpi-tagping yero ng bahay.


Hindi aakalaing sa loob pala nito ay magandang sala ang sasalubong sa iyong pagpasok!


Post a Comment

0 Comments