"Ako po si Wilfredo Revillame, nanunumpa sa inyo, dito lang ako sa Wowowin para magsilbi sa inyo,"
Inanunsyo ni Willie Revillame sa kaniyang programang "Wowowin-Tutok To Win" na hindi siya tatakbo sa anumang posisyon sa pamahalaan sa darating na Eleksyon 2022 isang araw bago ang nakatakdang huling araw ng paghahain sa kandidatura.
Ayon kay Kuya Wil, pinag-isipan at pinag-aralan niyang mabuti ang kaniyang naging desisyon simula pa noong Marso.
Nakita umano niya ang hindi pagkakasunduan at kabi-kabilang mga alitan sa mundo ng pulitika.
"Di ko ho kakayaning pumasok sa isang bagay na wala akong kakayahan." pagpapatuloy ni Kuya Wil.
Matatandaang sa huling resultang inilabas ng Pulse Asia Survey para sa senatorial race, napabilang si Kuya Wil sa listahan ng pasok sa magic 12.
Source: Philippine Star; GMA News
0 Comments